explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng awa para sa bawat sinumang naging madali, galante, at mapagbigay sa pagbebenta niya sapagkat hindi siya naghihigpit sa mamimili sa presyo ng paninda at nakikitungo siya nang may magandang kaasalan; madali, galante, at mapagbigay kapag bumili siya sapagkat hindi siya nagpapakulang at hindi siya nagpapakaunti sa halaga ng paninda; madali, galante, at mapagbigay kapag sumingil ng bayad sa mga pautang na ukol sa kanya sapagkat hindi siya naghihigpit sa maralita at nangangailangan, bagkus sumisingil siya rito nang may kabaitan at kabanayaran at nagpapalugit sa nagigipit.

explain-icon

fawaed

  • Kabilang sa mga pinapakay ng Batas ng Islām ang pangangalaga sa nagsasaayos ng mga ugnayan sa pagitan ng mga tao.
  • Ang pagpapaibig sa paggamit ng mga matataas sa mga kaasalan sa mga transaksiyon sa pagitan ng mga tao sa pagbebenta, pagbili, at tulad niyon.