Dumating si Anghel Gabriel (sumakanya ang pagbati) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong ito sa kanya: "O Muḥammad, naghinaing ka ba dahil sa sakit?" Kaya nagsabi siya: "Oo." Kaya nag-orasyon si Anghel Gabriel sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pamamagitan ng sabi nito: "Sa ngalan ni Allāh," habang nagpapatulong sa Kanya, "nag-oorasyon ako para sa iyo" at dumadalangin ng pagkupkop sa iyo "laban sa bawat bagay na namemerhuwisyo sa iyo" na malaki man o maliit man "at laban sa bawat kasamaan ng sarili" na karima-rimarim "o matang naiinggit" na makausog ito. "Si Allāh ay magpagaling sa iyo," magsasanggalang sa iyo, at mangalaga sa iyo laban sa lahat ng mga sakit. "Sa ngalan ni Allāh, nag-oorasyon ako para sa iyo." Nag-uulit siya nito para sa pagpapalabis. Nagpasimula ito sa pamamagitan niyon at nagpawakas ito sa pamamagitan niyon bilang isang pahiwatig na walang Tagapagpakinabang kundi si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya).