Dinapuan si `Uthmān bin Abi Al-`Āṣṣ Ath-Thaqafīy (r) ng isang pananakit na halos magpasawi sa kanya kaya pinuntahan siya ng Propeta (s) upang dumalaw sa kanya at magturo sa kanya ng isang panalanging papawiin ni Allah buhat sa kanya ang bumaba sa kanya na karamdaman. Ito ay maglagay siya ng kamay niya sa parte na idinadaing niya, magsabi siya ng: "bismi -llāh (sa ngalan ni Allah)" nang makatatlo, pagkatapos magsabi siya nang pitong ulit na: "A`ūdhu (Nagpapakupkop ako) – dumudulog ako, nangungunyapit, at nagpapamuog ako – "billāhi wa-qudratihi min sharri mā ajidu (kay Allah at sa kapangyarihan Niya laban sa kasamaan ng nararamdaman ko)" – laban sa hapdi sa kasakulukuyang oras – "wa-uḥādhir (at pinangingilagan ko)" – at pinangangambahan kong mangyari sa hinaharap na kalungkutan at pangamba o laban sa pagpapatuloy ng karamdamang ito at pagkalat ng hapdi nito sa katawan.