Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang isa kabilang sa mga tao ay magtrabaho ng alinmang trabaho kahit pa man kumuha siya ng isang lubid saka magtipon siya sa pamamagitan nito ng panggatong na papasanin sa likod niya saka magtinda nito at makakain mula rito o magkawanggawa sa pamamagitan nito at magwalang-pangangailangan sa pamamagitan nito sa mga tao at makapagsanggalang ng mukha niya sa kahamakan ng panghihingi ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa humingi sa mga tao saka magbibigay man sila sa kanya o magkakait man sila sa kanya. Ang panghihingi sa mga tao ay nakahahamak samantalang ang mananampalataya ay kamahal-mahal hindi kahamak-hamak.