Pumanaw si Zaynab na babaing anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kinaroroonan ng mga babaing nagpapaligo rito saka nagsabi sa kanila: "Hugasan ninyo siya ng tubig at dahon ng mansanitas nang gansal na ulit: tatlong ulit o limang ulit o higit kaysa roon, kung mayroong pangangailangan. Maglagay kayo sa huling paghugas ng kaunting alkampor. Kapag nakatapos kayo, magpabatid kayo sa akin." Kaya noong nakatapos sila sa pagpapaligo rito, nanawagan sila sa kanya saka nagpukol siya sa ng pantapis niya sa mga babaing tagapagpaligo at nagsabi: "Balutin ninyo siya riyan at gawin ninyo iyan bilang ang damit na nalalapit sa katawan niya." Pagkatapos ginawa ang [buhok ng] ulo niya bilang tatlong tirintas.