May binanggit sa piling ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na isang lalaking natulog hanggang sa nag-umaga, sumikat ang araw, at hindi bumangon para magsagawa ng ṣalāh na isinatungkulin. Kaya naman nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na iyon ay lalaking umihi ang demonyo sa tainga niya."