Ipinapahiwatig ni Buraydah malugod si Allah sa kanya-Na ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag nagpapadala siya ng hukbo o piraso ng mga hukbo upang makipaglaban sa mga walang pananampalataya, magtatalaga siya sa kanila ng pinuno na pahahalagahan niya ang pagkakaisa nila,at aayusin ang kapakanan nila,pagkatapos ay papayuan niya ito ng pagkatakot kay Allah at ng mga kasama nito sa kabutihan,at gagabayan niya sila sa anong nararapat na maging ugali nila sa kanilang mga kalaban.At ang pag-iwas nila sa pagkuha ng nadarambong,at ang paglabag sa napagkasunduan,at ang pagpatay sa karumal-dumal na pamamaraan,at ang pagpatay ng wala sa hustong gulang,at nararapat sa kanila na magsimula sila sa mga pagano sa Pag-aanyaya ng Islam,At kapag tumugon sila nito,Hikayatin ninyo sa kanila ang paglikas sa Madinah at ipaalam ninyo sa kanila na mapapa sakanila ang anumang nasa mga naglikas(Muhajireen) na mga nauna at mapapa-sa kanila ang anumang sa mga naglikas(Muhajireen) mula sa kanilang mga karapatan at mga Tungkulin.At kapag tinanggihan nila ang paglikas tunay na maisasalamuha sila sa tulad na pakikisalamuha sa mga Arab na Muslim,At kapag tinanggihan nila ang Islam,ay singilin ninyo mula sa kanila ang Buwis,At kapag tinanggihan nila ang pagbayad nito,Humingi kayo ng tulong sa Allah at makipag-laban kayo sa kanila,At kapag napaligiran nila ang mga tao sa kampo nila,ay huwag ninyong ibigay ang Kasunduan ni Allah at Kasunduan ng kanyang Propeta,Datapuwat ay ibigay nila sa kanila ang Kasunduan nila,sapagkat ang pagkakalantad sa paglabag ng kasunduan nila ay mas magaan na kasalanan kaysa pagkalantad sa kasunduaan ni Allah at kasunduan ng Sugo Niya dahil doon,At kapag naki-usap sila sa kanila na ipataw ang Panuntunan sa kanila sa Panuntunan ni Allah,ay huwag silang pumataw ng panuntunan na ilalagay nila ito sa panuntunan ni Allah,Sapagkat sila ay maaring hindi nila mapag-wasto sa kanila ang Panutunan ni Allah,Datapuwat, sila ay nakikisalamuha sa kanila sa Panuntunan ng mga sarili nila at mga pagsisikap nila.