Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang inumaga kabilang sa inyo, O mga Muslim, habang malusog na ligtas sa katawan niya mula sa mga dinaramdam at mga karamdaman, habang tiwasay sa sarili niya, mag-anak niya, mga alaga niya, daan niya, na hindi nangangamba, na taglay niya ang kasapatan ng pagkain ng araw niya mula sa ipinahihintulot, para bang tinipon para sa kanya ang Mundo sa kalahatan nito.