Ang aliping ito ay kay Abū Bakr. Nakipagkasundo siya rito na magbibigay ito sa kanya ng takdang bagay sa bawat araw. Isang araw, naghatid ang aliping ito ng pagkain kay Abū Bakr at kinain niya iyon. Nagsabi ito: "Nalalaman mo ba kung ano ito?" Nagsabi siya: "Ano ito?" Nagsabi ito: "Ito ay kabayaran sa upa ng panghuhulang isinagawa ko noong panahon ng kamangmangan gayong ako ay hindi mahusay manghula ngunit dinaya ko ang lalaki at nang nakatagpo niya ako ay ibinigay niya sa akin iyan." Ang kabayaran sa panghuhula ay ipinagbabawal. Magkatulad lamang kung ang manghuhula ay mahusay sa gawaing panghuhula o hindi mahusay dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagbawal sa pagbibigay sa manghuhula. Isinadokumento ito ni Imām Al-Bukhārīy sa Ṣaḥīḥ niya, 3/1198 numero 1567 mula sa ḥadīth ayon kay Abu Mas`ūd Al-Anṣārīy. Noong sinabi kay Abū Bakr ang pahayag na ito, ipinasok ni Abū Bakr ang kamay niya sa bibig niya, isinuka ang bawat kinain niya, at inilabas iyon mula sa tiyan niya upang hindi makakain ang tiyan niya ng ipinagbabawal. Ito ay pagkaing ipinagbabawal dahil ito ay kabayaran mula sa isang ipinagbabawal sapagkat ang upa sa gawaing ipinagbabawal ay ipinagbabawal.