Nagpapabatid ang Propeta (s) na siya ay nakatagpo kay Abraham na matalik na kaibigan ni Allah (sumakanya ang pangangalaga) sa gabi ng pagpapalakbay at pag-akyat [sa langit] saka nagsabi ito: "O Muḥammad, ipaabot mo sa kalipunan mo mula sa akin ang pagbati at ipaalam mo sa kanila na ang Paraiso ay kaaya-aya ang lupa, matamis ang tubig na walang kaalatan dito, na ang Paraiso ay malawak na kapatagang walang mga puno, na ang mga tanim nito ay ang mga kaaya-ayang pangungusap, na mga maayos na matitira: Subḥāna -llāh, Alḥamdu lillāh, Lā ilāha illa -llāhu, at Allāhu akbar (Napakamaluwalhati ni Allāh, Ang papuri ay ukol kay Allāh, Walang Diyos kundi si Allāh, at Si Allāh ay Pinakadakila). Sa tuwing nagsabi ng mga ito ang Muslim at nag-ulit-ulit siya ng mga ito, may itatanim para sa kanya na isang tanim sa Paraiso."