Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkain ng saḥūr, ang pagkain sa huling bahagi ng gabi bilang paghahanda para sa pag-aayuno, dahil dito ay may pagpapala na maraming kabutihan gaya ng pabuya at gantimpala, pagdarasal sa oras ng huling bahagi ng gabi, pangingilag magkasala sa pag-aayuno, pagpapakasigla para rito, at pagpapagaan sa hirap dito.