Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-aalaga ng mga aso maliban sa pangangailangan sa pangangaso o pagtatanod ng mga hayop at mga pananim. Ang sinumang nag-alaga nito dahil sa hindi dahilang iyon, may nababawas mula sa gantimpala ng gawa niya sa bawat araw na dalawang qīrāt, na isang sukat na nalalaman sa ganang kay Allāh (napakataas Siya).