Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) ay nagsabi: "May tatlong uri na Ako ay kaalitan nila sa Araw ng Pagbangon at ang sinumang Ako ay naging kaalitan niya, makikipag-alitan Ako sa kanya at gagapi sa Kanya: Una: ay ang sinumang nagbigay ng pangako niya at panunumpa niya sa Akin at nakipagkasunduan ng isang kasunduan pagkatapos lumabag siya at sumira siya; Ikalawa: ay ang sinumang nagbenta ng isang taong malaya bilang isang alipin saka kumain ng bayad dito at gumamit ng halaga nito; Ikatlo: ay ang sinumang umupa ng isang upahan sa trabaho saka lumubos siya ng mula rito ng trabaho pagkatapos hindi siya nagbigay rito ng bayad sa trabaho nito.