Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay minsang nasa isang paglalakbay saka nakakita siya ng isang lalaking nagtipon doon ang mga tao at nililiman nga iyon laban sa init ng araw at tindi ng uhaw. Kaya nagsabi siya: "Ano iyan?" Nagsabi naman sila: "Nag-aayuno." Kaya nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagsasamabuting-loob ang pag-aayuno sa paglalakbay. Manatili kayo sa permiso ni Allāh na ipinermiso Niya sa inyo."