Nagpapabatid si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) na siya at ang isang batang tagapaglingkod na nalalapit sa gulang niya ay sumusunod sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kapag lumalabas ito para sa pagtugon nito ng tawag ng kalikasan. Bumibitbit silang dalawa ng isang patpat na may dulong tulad ng dulo ng sibat upang maglagay niyon bilang isang panakip na pagsasabitan ng isang bagay na nakatatakip o bilang isang panakip para sa pagsasagawa ng ṣalāh nito. Bumibitbit din silang dalawa ng isang maliit na lalagyang yari sa balat na napuno ng tubig. Kaya kapag nakatapos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtugon nito ng tawag ng kalikasan, inaabot nilang dalawa ang lalagyan para maglinis ito sa pamamagitan ng tubig.