explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi papasok sa Impiyerno ang sinumang nakadalo sa paglusob sa Badr na naganap noong ikalawang taon ng Hijrah bilang nakikipaglaban kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ni ang sinumang nakadalo sa kasunduang pangkapayapaan sa Al-Ḥudaybīyah, na naganap dito ang pangako ng katapatan ng Ar-Riḍwān noong ikaanim na taon ng Hijrah.

explain-icon

fawaed

  • Nasaad dito ang kainaman ng mga nakadalo sa Badr at Al-Ḥudaybīyah at na sila ay hindi papasok sa Impiyerno.
  • Ang paglilinaw na si Allāh (napakataas Siya) ay naggarantiya ng pagpapalayo sa kanila ng mga kawalang-katarungan, nagtutuon sa kanila sa kamatayan sa pananampalataya, magpapasok sa kanila sa Paraiso nang walang pagkauna ng pagdurusa sa Impiyerno. Iyon ay kabutihang-loob ni Allāh, na ibinibigay Niya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay may kabutihang-loob na sukdulan.