explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Humihimok ang Propeta (s) sa sinumang gumising mula sa pagkatulog niya na suminghot siya ng tubig at magsinga nito nang tatlong ulit. Tinatawag ito na istinthār: ang pagpapalabas ng tubig mula sa ilong matapos ng pagpapasok nito. Iyon ay dahil ang demonyo ay nagpapagabi sa butas-ilong niya, na ilong sa kabuuan nito.

explain-icon

fawaed

  • Isinasabatas sa bawat sinumang nagising mula sa pagkatulog na magsagawa ng istinthār dahil sa bakas ng demonyo sa ilong niya. Kapag naman magsasagawa siya ng wudu, ang utos ng pagsasagawa ng istinthār sa sandaling iyon ay higit na tiyak.
  • Ang istinthār ay bahagi ng kalubusan ng benispisyo ng pagsasagawa ng istinshāq dahil ang istinshāq ay paglilinis ng ilong at ang istinthār ay nagpapalabas ng karumihang iyon kasama ng tubig.
  • Ang pagkalimita ng pagtulog sa gabi ay dala ng pagbatay sa mula sa pananalitang "nagpapagabi" sapagkat tunay na ang pagpapakagabi ay hindi nangyayari kundi sa pagtulog sa gabi at dahil ito ay pinagpapalagayan ng kahabaan at pagkahimbing.
  • Sa hadith ay may isang patunay sa pakikipagniig ng demonyo sa tao habang siya ay hindi nakararamdam niyon.