explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang buhay ng Muslim ay bawal labagin maliban kung gumawa siya ng isa sa tatlong pagsalansang: Ang Una: Ang sinumang nasadlak sa kahalayan ng pangangalunya samantalang nakapag-asawa na sa isang tumpak na kontrata, ipahihintulot ang pagpatay sa kanya sa pamamagitan ng pagbato. Ang Ikalawa: Ang sinumang pumatay ng isang taong pinangangalagaan, nang sadyaan nang walang katwiran, papatayin siya ayon sa mga kundisyon nito. Ang Ikatlo: Ang lumabas sa Bukluran ng mga Muslim, na maaaring dahil sa pag-iwan ng Relihiyon niyang Islām sa kabuuan nito dahil sa pagtalikod, o ang nakikipaghiwalay nang walang pagtalikod sa pamamagitan ng pag-iwan sa isang bahagi nito gaya ng mga kampon ng paghihimagsik, mga mandarambong sa daan, at mga nakikipagdigmaan gaya ng Khawārij at iba pa sa kanila.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagbabawal sa paggawa ng tatlong pagsalansang na ito at na ang sinumang gumawa ng isa sa mga ito ay nagiging karapat-dapat sa pagpatay: maaaring dahil sa isang kawalang-pananampalataya – ang tumalikod sa Islām; at maaaring dahil sa isang takdang parusa – ang dalawang ito ay ang nakapag-asawang nangalunya at ang pumatay nang sadyaan.
  • Ang pagkakinakailangan ng pangangalaga sa mga dangal at kalinisan ng mga ito.
  • Ang pagkakinakailangan ng paggalang sa Muslim at na siya ay ipinagsasanggalang ang buhay.
  • Ang paghimok sa pananatili sa Bukluran ng mga Muslim at hindi pakikipaghiwalayan sa kanila.
  • Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nasasaad ang pananalita niya paminsan-minsan sa pamamagitan ng paghahati dahil ang paghahati ay naglilimita sa mga usapin at nagtitipon sa mga ito at iyon ay higit na mabilis sa pagkasaulo.
  • Isinabatas ni Allāh ang mga takdang parusa para sa pagsawata sa mga salarin at para sa pangangalaga sa lipunan at pagsasanggalang dito laban sa mga krimen.
  • Ang pagpapatupad ng mga takdang parusang ito ay kabilang sa pagkatangi ng tagapangsiwa ng pamahalaan.
  • Ang mga kadahilanan ng pagpatay ay higit sa tatlo subalit ang mga ito ay hindi lumalabas buhat sa mga iyon. Nagsabi si Ibnu Al-`Arabīy Al-Mālikīy: Hindi lumalabas ang mga ito buhat sa tatlong iyon sa isang kalagayan sapagkat tunay na ang sinumang nanggaway o nang-alipusta sa propeta ni Allāh ay tumangging sumampalataya kaya siya ay napaloloob sa tagaiwan ng Relihiyon niya.
explain-icon

Ang karagdagan