Humawak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa kamay ni Mu`ādh (malugod si Allāh dito) at nagsabi siya rito: "Sumpa man kay Allāh, tunay na ako ay talagang umiibig sa iyo at magtatagubilin sa iyo, O Mu`ādh: Huwag kang makaliligta na magsabi sa wakas ng bawat salah: "Allāhumma a`innī `alā dhikrika (O Allāh, tulungan Mo ako sa pag-aalaala sa Iyo)" sa bawat sinasabi at ginagawang nagpapalapit sa pagtalima. "wa-shukrika ([at] pagpapasalamat sa Iyo)" sa pagkatamo ng mga biyaya at pagkatulak ng mga salot. "wa-ḥusni `ibādatik (at pagpapahusay sa pagsamba sa Iyo)" sa pamamagitan ng pagpapakawagas kay Allāh at sa pakikipagsunuran sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).