Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang panalangin ng Muslim para sa kapatid niyang Muslim sa sandali ng pagkaliban ng dinadalanginan ay tinutugon dahil ito ay higit na malalim sa pagpapakawagas, at na sa tabi ng ulo ng tagapanalangin ay may isang anghel na itinalaga, na sa tuwing dumadalangin siya para sa kapatid niya ng isang kabutihan, nagsasabi ang anghel na itinalaga sa kanya ng: "Amen, at ukol sa iyo ay tulad ng ipinanalangin mo."