Naglilinaw ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh ay nagtakda ng mga magandang gawa at mga masagwang gawa, pagkatapos naglinaw sa dalawang anghel kung papaano silang dalawa magsusulat nito. Kaya ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng magandang gawa, isusulat iyon para kanya bilang iisang magandang gawa, kahit pa hindi siya nakagawa nito; ngunit kung nagawa niya ito, tunay na ito ay pag-iibayuhin [sa gantimpala] sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo hanggang sa maraming ibayo. Ang karagdagan ay alinsunod sa nasa puso na pagpapakawagas, pagsalin ng pakinabang, at tulad niyon. Ang sinumang nagnais, nagpakay, at nagpasya sa paggawa ng masagwang gawa pagkatapos nagwaksi siya nito alang-alang kay Allāh, isusulat iyon para sa kanya bilang iisang magandang gawa. Kung nakawaksi siya nito dala ng pagkalingat dito kasabay ng hindi paggawa ng mga kadahilanan nito, hindi magsusulat para sa kanya ng anuman. Kung nakawaksi siya nito dala ng kawalang-kakayahan dito, itatala sa kanya ang layunin niya. Kung nakagawa siya nito, magsusulat para sa kanya ng iisang masagwang gawa.