explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpaabot tungkol sa kanya ng isang ḥadīth habang ito ay nakaaalam o nagpapalagay o nananaig sa palagay nito na iyon ay isang kasinungalingan hinggil sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ang tagapagsalaysay niyon ay nakikilahok sa nagkakalat ng kasinungalingang ito.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagpapatibay sa mga ḥadīth na isinasalaysay tungkol sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagtitiyak sa katumpakan ng mga ito bago ng pagsasalaysay ng mga ito.
  • Ang katangian ng pagsisinungaling ay itinataguri sa bawat sinumang umimbento ng kasinungalingan at sa sinumang nagsagawa ng pagpapaabot nito at pagpapalaganap nito sa gitna ng mga tao.
  • Ipinagbabawal ang pagsasalaysay ng ginawa-gawang ḥadīth sa sinumang nakaalam sa pagiging ito ay ginawa-gawa o nanaig sa palagay niya ang pagkagawa-gawa nito malibang kapag iyon ay para sa pagbibigay-babala laban dito.