explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid si `Ā’ishah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh dito) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay matindi ang sigasig sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) at na siya ay umaalaala noon kay Allāh (napakataas Siya) sa bawat panahon, lugar, at kalagayan.

explain-icon

Benefits from the Hadith

  • Hindi isinasakundisyon ang ṭahārah mula sa maliit at malaking ḥadath para sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya).
  • Ang pagpapamalagi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya).
  • Ang paghimok sa pagpaparami ng pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya) sa lahat ng mga sandali bilang pagtulad sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), maliban sa mga kalagayang nakahahadlang sa mga ito sa pag-alaala, gaya ng sa pagtugon sa tawag ng pangangailangan.