Nagtalumpati ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Araw ng `Arafah sa Ḥajj ng Pamamaalam noong taong 10 Hijrah. Tinawag itong gayon dahil siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay namaalam sa mga tao rito. Nag-utos siya sa mga tao sa kalahatan na mangilag silang magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, na magdasal sila ng limang ṣalāh na isinatungkulin ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa araw at gabi, na mag-ayuno sila sa buwan ng Ramaḍān, na magbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila sa mga karapat-dapat sa mga ito at huwag silang magmaramot ng mga ito, at na tumalima sila sa mga ginawa ni Allāh bilang mga pinuno sa kanila sa hindi pagsuway kay Allāh. Ang sinumang gumawa nitong mga bagay na nabanggit, ang gantimpala sa kanya ay ang pagpasok sa Paraiso.