Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang panaginip na maayos na nagpapatuwa sa pagkatulog ay mula kay Allāh. Gumabay Siya na magpuri kay Allāh dahil dito at magpabatid nito. Kapag naman nanaginip siya ng kinasusuklaman niya at nagpapalungkot sa kanya, iyon ay mula sa demonyo lamang. Kaya naman humiling siya ng pagkupkop ni Allāh laban sa kasamaan nito at huwag siyang bumanggit nito sa isa man sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala sa kanya yayamang ginawa ni Allāh ang nabanggit bilang kadahilanan para sa kaligtasan mula sa kinasusuklamang inireresulta dahil sa panaginip.