Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kabilang sa mga palatandaan ng pagkalapit ng Araw ng Pagbangon at pagwawakas ng Mundo ay ang pagpapayabangan ng mga tao sa pagpapalamuti ng mga masjid nila o ang pagpapayabangan nila sa kamunduhan nila sa loob ng mga masjid, na hindi naman ipinatayo kundi para sa pag-alaala kay Allāh.