Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagdaan sa harap ng sinumang nagdarasal ng tungkuling ṣalāh o kinukusang-loob na ṣalāh; at na kung sakaling nakaaalam ang sinumang gumagawa niyon nang sadyaan ng naikakapit sa kanya na kasalanan, talaga sanang pinili niya na tumindig nang apatnapu sapagkat ito ay higit na mabuti para sa kanya kaysa sa magdaan siya sa harapan niyon. Nagsabi si Abu An-Naḍr na tagapagsalaysay ng ḥadīth: "Hindi ako nakaaalam kung nagsabi siya nang apatnapung araw o buwan o taon."