Katunayan ang Nagdarasal,kapag itinayo niya ang pagdadasal nito,ay maglagay siya ng pangharang sa pagdadasal nito,na ang pinakamataas nito ay kasing-laki ng siyahan,at ito ay tatlong bahagi sa hugis ng braso,na ilalagay sa harapan nito,kapag hindi niya ito ginawa tunay na pinuputol niya ang pagdadasal nito nang isa sa tatlong bagay,((Ang Babae,At pinagtanto nito sa salaysay ni Abe Dawud na ito ay Ang Nagregla O Nasa wastong idad,at ang Asno,at Ang Aso na itim)),Ngunit kapag naglagay siya ng Pangharang sa harap nito,hindi siya mapipinsala ng kahit anong dumaan mula sa likod nito kahit ito ay isa mula sa tatlo na ito.Nagsabi si Abdullah bin Sa`mit na nagsalaysay sa Hadith:Nagsabi ako:O Aba Zarr,Ano ang pagkakaiba ng Aso na itim sa Aso na pula at Aso na dilaw?Ibig sabihin:Bakit pinagtanto nito ang Aso na ito lamang ang makakaputol sa pagdadasal at hindi ang ibang mga Aso?Ngsabi siya: Oh anak ng kapatid ko,Nagtanong ako sa Sugo ni ALLAH pagpalain siya ni ALLAH at pangangalagaan,kahalintulad ng tanong mo sa akin, at nagsabi siya: (Ang aso na maitim ay Satanas). At ang nais ipahiwatig sa pagputol ng dasal ay mawawalan ito ng halaga,at ito ay Fatwa mula sa Lujnah Da`emah,At pumunta ang ilan sa mga may kaalaman na ang ibig sabihin nito ay naputol ang pagkatakot nito at ang pagka-ganap nito at hindi ang Dasal ang nasira at nawalan ng halaga.