May pumuntang lalaki sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi: "O Sugo ni Allāh, ano po sa tingin mo kung may dumating na isang lalaking nagnanais na kumuha ng ari-arian ko?" Nagsabi siya: "Hindi naman inoobliga sa iyo na sumuko ka sa kanya at magbigay ka sa kanya ng ari-arian mo." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung makikipaglaban siya sa akin?" Nagsabi siya: "Pinapayagan sa iyo ang makipaglaban sa kanya." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung nakapatay siya sa akin?" Nagsabi siya: "Ikaw ay martir." Nagsabi ito: "Ano po sa tingin mo kung nakapatay ako sa kanya?" Nagsabi siya: "Siya ay karapat-dapat na parusahan sa Impiyerno sa Araw ng Pagbangon."