Nagtanong si Mu`ādhah Al-`Adawīya sa Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sapagkat nagsabi ito: "Ano ang mayroon sa nireregla: nagbabayad-pagsasagawa ng pag-aayuno at hindi nagbabayad-pagsasagawa ng pagdarasal?" Kaya nagsabi siya rito: "Ikaw ba ay kabilang sa mga tagapaghimagsik na Ḥarūrīyah na nagpaparami ng mga tanong dahil sa pangungulit at pagpapakahigpit. Nagsabi ako: "Ako ay hindi Ḥarūrīy subalit ako ay nagtatanong." Nagsabi siya: "Dumadapo sa amin ang pagreregla kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya inuutusan kami ng pagbabayad-pagsasagawa sa pag-aayuno at hindi kami inuutusan ng pagbabayad-pagsasagawa sa pagdarasal."