Nagpapabatid si Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na ang mahal niya at ang kasamahan niya, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtagubilin sa kanya ng tatlong gawain: 1. Pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan. 2. Dalawang rak`ah ng [salah na] ḍuḥā bawat araw. 3. Pagsasagawa ng [salah na] witr bago matulog at iyon ay ukol sa sinumang nangangamba na hindi magising sa huling bahagi ng gabi.