Tinanong si Ḥafṣah na Ina ng mga Mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya): "Papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Qur'ān?" Kaya nagsabi ito: "Tunay na kayo ay hindi makapagkakaya sa tulad niyon." Kaya sinabi rito: "Magpabatid ka sa amin." Nagsabi si Nāfi`: Kaya bumigkas para sa amin ang Anak ni Abū Mulaykah ng pagbigkas ng pagdadahan-dahan dito upang magaya at mapalapit para sa kanila ang pamamaraan ng pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumigkas siya: "Alḥamdu lillāhi rabbi -l`ālāmin (Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang) (Qur'ān 1:2) pagkatapos huminto siya sa pagbigkas, "Arraḥmāni -rraḥīm (ang Napakamaawain, ang Maawain)." (Qur'ān 1:3) pagkatapos huminto siya sa pagbigkas, "Māliki yawmi -ddīn (ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas) (Qur'ān 1:3)"