Tinanong si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) kung papaano noon ang pagbigkas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng Qur'ān. Kaya nagsabi siya: "Siya noon ay nagpapahaba ng tinig niya sa pagbigkas sa isang pagpapahabang pinahahaba ang LA na bago ng H ng pangalang Allāh, pinahahaba ang MA na bago ng N ng RaḥMĀN, at pinahahaba ang ḤI ng RaḤĪm."