Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang Mundo ay : kinamumuhian ni Allāh, na pinupulaang iwinawaksing nilalayuan. Iniiwan ang anumang narito na hindi nag-aalaala kay Allāh dahil sa pagiging ito at ang bawat anumang narito ay nagpakaabala palayo kay Allāh (napakataas Siya) at lumalayo sa Kanya, maliban sa pag-alaala kay Allāh at anumang nalapit dito at nakauri nito kabilang sa inibig ni Allāh, o sa isang nakaalam sa kaalamang pangkapahayagan, na nagtuturo sa mga tao, o sa isang nagpapakatuto nito.