Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), habang siya ay nasa ibabaw ng mimbar niya, laban sa pagwaksi sa ṣalāh sa Biyernes at pagpapaiwan dito nang walang madadahi-dahilan dala ng pagwawalang-bahala at dala ng katamaran o talagang magpipinid si Allāh sa mga puso nila, magtatakip Siya sa mga ito, at maglalagay Siya sa mga ito ng harang na pipigil sa mga ito sa pagsunod sa katotohanan, pagkatapos magiging kabilang sila sa mga nalilingat sa mga kadahilanan ng kabutihan, na nagwawalang-halaga ang mga sarili nila sa mga pagtalima.