explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Abū Dharr Al-Ghirārīy (malugod si Allāh sa kanya) na kapag nagluto siya ng sabaw ay na magparami siya ng tubig nito at magmalasakit siya at magsiyasat sa mga kapit-bahay niya.

explain-icon

fawaed

  • Ang paghimok sa kagandahan ng pakikitungo sa mga kapit-bahay.
  • Ang pagsasakaibig-ibig ng pagreregaluhan sa pagitan ng mga magkapit-bahay dahil iyon ay nagsasanhi ng pag-ibig at nakadaragdag sa pagmamahal. Nabibigyang-diin ang pagreregaluhang ito kapag ang pagkain ay may amoy at nalaman ang pangangailangan ng kapit-bahay.
  • Ang paghimok sa pagkakaloob ng nakabubuti at anumang naging posible, kahit pa kaunti, at ang pagpapasok ng galak sa mga Muslim.