Nagpapabatid si Ummu `Aṭīyah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa mga babae laban sa paglalakad kasabay ng mga libing. Iyon ay dahil sa kinatatakutan niya kaugnay roon na sigalot para sa kanila at dahil sa kanila at kakauntian ng pagtitiis nila. Pagkatapos nagpabatid pa ito (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nagbigay-katiyakan sa pagbabawal gaya ng ginagawa niya sa nalalabi sa mga sinasaway.