explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (s) ng palatandaan ng pagpasok ng buwan ng Ramaḍān at paglabas nito sapagkat nagsabi siya: "Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ng Ramaḍān, mag-ayuno kayo; ngunit kung may humarang sa pagitan ninyo at niyon na ulap at tinakpan iyon sa inyo, ibilang ninyo na may 30 araw para sa buwan ng Sha`bān. Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ng Shawwāl, tumigil-ayuno kayo; ngunit kung may humarang sa pagitan ninyo at niyon na mga ulap at tinakpan iyon sa inyo, ibilang ninyo na may 30 araw para sa buwan ng Ramaḍān."

explain-icon

fawaed

  • Ang pagsalig sa pagkakita hindi sa pagtataya sa pagpapatibay sa pagpasok ng buwan.
  • Ipinaabot ni Ibnu Al-Mundhir ang napagkaisahan (ijmā`) na hindi kinakailangan ang pag-aayuno kapag ang pagpasok ng buwan ng Ramaḍān ay ayon sa pagtaraya lamang nang walang pagkakita.
  • Ang pagkakinakailangan ng pagkumpleto ng Sha`bān sa 30 araw kapag may humarang sa pagkakita sa bagong buwan ng Ramaḍān na mga ulap o tulad ng mga ito.
  • Ang buwang lunar ay 29 o 30 araw lamang.
  • Ang pagkakinakailangan ng pagkumpleto ng Ramaḍān sa 30 araw kapag may humarang na mga ulap o tulad ng mga ito sa bagong buwan ng Shawwāl.
  • Ang sinumang nasa isang pook na wala roong sinumang nagsisiyasat sa nauukol sa mga Muslim kaugnay sa ayuno o siya ay kabilang sa nagwawalang-bahala niyon, nararapat na magsaalang-alang siya niyon at magsiyasat niy9on sa pamamagitan ng sinumang magpapatibay niyon sa ganang kanya sa pamamagitan ng pagkakita mismo nito sa pamamagitan ng pagkakita ng sinumang pinagkakatiwalaan niya para mag-ayuno siya ayon doon at tumigil-ayuno.
explain-icon

Ang karagdagan