Tumayo ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa mga kasamahan niya na nagsalita, at binanggit sa kanila na ang Jihad (pakikibaka) para maiangat ang salita ng Allah at ang pananampalataya sa Allah ay pinakamainam na gawain, bigla tumayo ang isang lalaki at tinanong ang Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Sa tingin Mo kapag ako ay napatay para maiangat ang salita ng Allah papatawarin ba ang mga kasalanan ko? Sabi ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: Oo, pero sa isang kondisyon na kapag mapatay ka na nagtitimpi nagtitiis sa mga dumating sa iyo, dalisay sa dakilang Allah, hindi umaalis sa plasa ng Jihad, pagkatapos isinambit ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ang isang bagay na siya ay utang, nagbabala na ang Jihad at Pagmamartir ay hindi mabubura ang mga karapatan ng mga tao.