Tunay na ang Kāfir, kapag gumawa siya ng pagtalima, ay tinutustusan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, dahil doon sa Mundo. Ang Mananampalataya naman, kapag gumawa siya ng pagtalima, tunay na si Allah ay talagang gaganti sa kanya dahil doon sa Kabilang-buhay at magtutustos din sa kanya dahil sa pagtalima niya. Tunay na si Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas, ay hindi tatangging maggantimpala sa Mananampalataya dahil sa mga magandang gawa nito. Magtutustos Siya rito dahil doon sa Mundo at maggagantimpala Siya rito dahil doon sa Kabilang-buhay. Ang Kāfir naman ay tutustusan Niya kapalit ng mga magandang gawa nito nang sa gayon kapag dumating ito sa Kabilang-buhay ay wala na itong magandang gawa para gantimpalaan dahil doon. Nagkaisa ang mga maalam na ang Kāfir na namatay sa kawalang-pananampalataya niya ay walang gantimpala para sa kanya sa Kabilang-buhay at hindi siya gagantihan dahil doon sa anuman sa ginawa niya sa Mundo na mabuting makapagpapalit sana sa kanya kay Allah, pagkataas-taas Niya. Tahasang binanggit sa hadith na ito na pakakainin siya sa Mundo dahil sa ginawa niya na mga magandang gawa, ibig sabihin, dahil sa ginawa niya na mabuting makapagpapalapit sana sa kanya kay Allah, gayong hindi naman nagkulang sa katumpakan ang layunin niya gaya ng pakikipag-ugnayan sa kamag-anak, pagpapalaya ng alipin, mabuting pagtanggap sa panauhin, pagpapadali sa mga kabutihan, at mga tulad nito. Kapag naman gumawa ang Kāfir ng tulad ng mga magandang gawang ito, pagkatapos ay yumakap siya sa Islam, tunay na siya ay gagantimpalaan dahil doon sa Kabilang-buhay ayon sa tumpak na katuruan.