Sa ḥadīth na ito, nasaad na isinasatungkulin sa Muslim ang makinig at ang tumalima sa mga namamahala sa lahat ng kalagayan hanggat hindi inaatasang sumuway [kay Allah] o inaatangan ng hindi nakakaya, kahit pa man may kahirapan sa kanya doon magkaminsan o pagkawala ng ilan sa mga karapatan niya, bilang pagpapauna sa kapakanang panlahat kaysa sa kapakanang pansarili.