Si Ibn `Umar malugod si Allah sa kanilang dalawa-Kapag lumabas siya papunta ng Meccah para magsagawa ng Hajj,Nagdadala siya ng Asno na pinagpapahingaan niya,at kapag napagod ang sumasakay sa sinasakyan niya-ibig sabihin ang Kamelyo-magpapahinga siya sa Asno pagkatapos ay sasakay [ulit] siya sa Kamelyo.At isang araw mula sa paglipas ng mga araw,Nakasalubong niya ang isang Arabo,At tinanong siya ni Ibn `Umar:Ikaw ba si Pulano na anak ni Pulano?Nagsabi siya: Oo,Bumaba siya sa Asno at nagsabi:Kunin mo ito at sumakay ka sa kanya,At binigay niya ang Turban niya,at hinigpitan sa ulo niya,At sinabi niya sa Arabong ito:Balutin mo ang ulo mo gamit ito.Sinabi niya kay `Abdullah bin `Umar:Naway gawing maayos ni Allah [ang kalagayan mo] ,at Patawarin ni Allah sa iyo [ ang kasalanan]! Ngunit sila ay mga Arabo [na naninirahan sa Disyerto],At ang mga Arabo [na naninirahan sa Disyerto] , magiging masaya sila ,kahit wala nito, Ang ibig nilang sabihin: Papaano mo nagawang bumaba sa Asno mo at maglakad sa mga paa mo,At ibinigay mo ang Turban mo na nakahigpit sa ulo mo, at siya ay isang Arabo lamang [na naninirahan sa Disyerto],masisiyahan siya sa panakamaliit nito,Ang sabi niya: ((Katotohanan ang pinakamahusay sa mga mabubuting gawain ay ang mabuting pakikitungo nang isang lalaki sa pamilya ng matalik na kaibigan ng ama niya)) Ibig sabihin:Ang pinakamahusay sa mga mabubuting gawain,kapag namatay ang ama ng isang lalaki o ina niya o isa sa mga kamag-anak niya,Ang pagpapamalas ng mabuting pakikitungo sa pamilya ng minahal niya,Ibig sabihin ay hindi lamang sa kaibigan niya,datapuwat hanggang sa mga kamag-anak ng kaibigan niya. At " Katotohan ang Ama ng lalaking ito ay naging matalik na kaibigan ni `Umar" Ibig sabihin: Si `Umar bin Al-Khattab,na Ama niya,Kaya dahil sa kaibigan siya ng Ama niya,Pinarangalan niya ito bilang Mabuting pakikitungu,para sa ama niya na si `Umar bin Al-Khattab