explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang sambahayan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi kumain ng dalawang pagkain sa iisang araw malibang ang isa sa dalawang pagkain ay ang datiles.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagpapakumbaba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sambahayan niya sapagkat marahil hindi sila nakatatagpo sa isang araw kundi ng iisang kain.
  • Ang datiles ay ang pinakamadali para sa kanila kaysa sa iba pa rito.
  • Ang kainaman ng kawalang-kamunduhan at pagkakasya sa kaunti sa pamumuhay at ang pagiging ito ay kabilang sa mga kaasalan ng mga propeta at pamumuhay ng pinuno ng mga isinugo.
  • Ang pagkain ng dalawang ulit sa iisang araw ay kabilang sa mga bagay na pinapayagan at pinahihintulutan. Ito ay kabilang sa mga kilalang kinahiratian ng mga Arabe. Sila noon ay kumakain ng dalawang pagkain sa isang araw: ang pagkain ng tanghalian at ang pagkain ng hapunan.