Ang hadith ay nagpapatunay sa pagpupula sa pagmamalaki at pagpapakadakila. Lumilitaw ang pagmamalaking ito at ang pagpapakadakilang ito sa paglalakad niya. Nagpapakapalalo siya sa paglalakad, sa kasuutan niya, sa pananalita niya, at sa lahat ng mga gawain niya. Ang sinumang ito ang kalagayan niya na pagmamalaki, na naniniwala sa sarili niya na siya ay dakila na karapat-dapat sa pagdakila higit sa karapat-dapat sa iba sa kanya, tunay na siya ay makatatagpo kay Allah habang si Allah sa kanya ay galit.