Ang mga martir sa kabuuan ay lima: ang dinapuan ng salot, nakamamatay na epidemya, at namatay dahil dito; ang namamatay sa sakit sa tiyan; ang namamatay sa pagkalunod na sumakay sa [sasakyang] dagat sa isang pagsakay na hindi ipinagbabawal; ang namatay sa ilalim ng guho gaya ng binagsakan ng dingding; ang napatay sa landas ni Allāh - ito ang pinakamataas sa mga uri - at gayon din ang namatay sa landas ni Allāh hindi dahil sa labanan. Ang mga unang apat na martir ay mga martir ayon sa panuntunan ng Kabilang-buhay hindi sa mundo, kaya naman paliliguan sila [kapag namatay] at dadasalan sila. Ang bilang [na nabanggit] sa ḥadīth ay hindi para limitahan [ang uri ng martir].