Sa Hadith na ito ay Garantiya mula kay Allah sa sinumang lumabas sa Landas Niya,walang nakapagpalabas sa kanya maliban sa pakikibaka sa Landas Niya,may Pananampalataya at Dalisay na kalooban,Na siya ay Nakagarantiya sa Allah,ng isa mula sa tatlo o dalawa,kabilang dito:Kapag siya ay napatay,siya ay nakagarantiya sa Allah na siya ay mapapasok sa Paraiso,at kapag siya ay nanatiling buhay,tunay na nakagaratiya kay Allah na pababalikin niya ito sa tahanan niya na may pagkamit ng gantimpala o (bahagi mula sa) nadambong,ibig sabihin ay: mula sa Gantimpala na walang kasamang nadambong,o di kaya`y Pagsasamahin ni Allah ang Nadambong at ang Gantimpala.At ang Pangalawang salaysay: Na kung saan ay pina-ugnay ito ng sumulat sa `Umdah kay Imam Muslim,at ito ay Napagkaisahan sa Katumpakan,at napapaloob rito: Na ang kainaman ng Pakikibaka sa Landas ni Allah,ibig sabihin ay;Yaong gumaganap sa pagsasagawa ng Pakikibaka,Ang mga bagay na ito ay hindi kakayanin ng nilalang,ito ay dahil sa mga sumusunod: Na ang magiging kapalit ng kanyang paglabas (sa pakikibaka sa landas ni Allah),ay ang pumasok siya sa pinagdadasalan niya,at magpapatuloy siya pagdarasal,at Pag-aayuno at Pagtindig (ng Dasal sa Hating-gabi),at dahil dito,Nagsabi siya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na hindi nila ito kakayanin