Nagsabi ang isang babae kay propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:Naging abala kana sa mga kalalakihan sa lahat ng oras,At naging kami ay wala ng mahanap na oras na makatagpo ka namin at matanong ka namin tungkol sa relihiyon namin,dahil sa pagsasama nila sa iyo sa buong araw,Pumili ka para sa amin na mga kababaihan ng isang araw na makakatagpo ka namin upang maturuan mo kami rito sa mga kautusan ng relihiyon namin,At pumili ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanila ng isang araw na magtitipon sila rito,At nagtipon-tipon ang mga kababaihan sa araw na pinili ng propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa kanila,Dumating siya sa kanila at itinuro niya ang itinuro sa kanya ni Allah mula sa mga kailangan nila na kaalaman,Pagkatapos ay naghatid siya sa kanila ng magandang balita na wala mula sa kanila na isang babae na namatayan siya ng tatlo mula sa kanyang mga anak,lalaki man o babae,inialay niya ito sa kabilang buhay,na may pagtitimpi at paghahangad ng gantimpala,maliban na darating sa kanya ito na magsisilbing panangga sa kanya mula sa impyerno kahit nararapat sila rito dahil mga kasalanan nila,Nagsabi ang isang babae: At papaanu kung namatayan siya ng dalawa?Mayroon ba siyang gantimpala,tulad ng gantimpala ng sinumang namatayan ng tatlo sa kanyang mga anak?Nagsabi ang propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan:At ganoon din,kapag namatay sa kanya ang dalawa sa anak niya,ang gantimpala niya ay gantimpala ng sinumang namatay sa kanya ang tatlo sa mga anak niya.