si Al-Barā' bin `Āzib (malugod si Allāh sa kanya), na isang tapat, na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nag-angat siya noon ng ulo niya mula sa pagkakayukod at nagsabi ng: "Sami`a -llāhu li-man ḥamidah (Duminig si Allāh sa sinumang nagpuri sa Kanya)," ay hindi tumitigil ang sinumang nasa likuran niya sa pagkatayo at walang nagbabaluktot na isa man ng likod niya hanggang sa maglagay siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng noo niya sa lapag, pagkatapos lumalapag kami sa pagpapatirapa matapos niya.