Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na mag-adya ito sa kapatid nitong Muslim maging iyon man ay nang-aapi o inaapi. Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, mag-aadya ako sa kanya kapag siya ay naging inaapi sa pamamagitan ng pagpawi ng pang-aapi sa kanya. Kaya ano po sa tingin mo kapag siya ay naging nang-aapi, magiging papaano po ang pag-aadya ko sa kanya?" Nagsabi siya: "Sasaway ka sa kanya, hahawak ka sa mga kamay niya, hahadlang ka sa kanya, at pipigil ka sa kanya sa pang-aapi sapagkat tunay na iyan ay pag-aadya sa kanya laban sa demonyo at laban sa sarili niyang palautos ng kasagwaan."