Walang sinuman na Muslim na makikipaglaban sa landas ni Allah kahit sa konting oras lamang tulad nang oras sa pagitan ng dalawang beses na paggatas,at ang ibig sabihin nito ay,ang pagpapagatas sa kamelyo pagkatapos ay iiwan ito upang makapag-pasuso sa (batang kamelyo)Pagkatapos ay babalik siya upang suso(ng kamelyo) upang gatasan ito ulit;maliban sa mararapat sa kanya ang Paraiso,at sinuman ang masugatan sa landas ni Allah pagkataas-taas Niya,tulad nang sinumang nahulog sa kabayo nito pagkatapos ay nasugatan siya o napalo ng tabak o maliban pa doon kahit na ito ay nagtamo ng maliit na sugat lamang,darating siya sa kabilang buhay na ang sugat niya ay dadanak ito ng dugo na mas marami kaysa dati,na kulay nito ay magmumula sa kulay ng Saffron at lalabas rito ang napakabangong mga amoy na kasing-amoy ng pabango.